Shantidope
- Gloc 9 (2019)You are listening to the song Shantidope by Gloc 9, in album BEST OF OPM HITS. The highest quality of audio that you can download is flac . Also, you can play quality at 32kbps, view lyrics and watch more videos related to this song.
Lyrics
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Gandang umaga haring araw
Tulala sa kaning bahaw
Pang-amoy na nabusog
Sa lumalapang alingasaw
Ng kalyeng kairitang
Halayang ininit lang
Tiis lang ang lasa
Parang minumog na sinigang
Pasok sa paaralan
Ganon pa din pag-uwi
Dakilang tagahiwalay
Ng dekolor sa puti
Poso na nagturo sa'king
Pa'no humingang malalim
Lumaki na gutom lamang
Ang 'di kayang kalabanin
Mababad man sa gawaing bahay
Laging nangunguna
Pag nakahawak ng pluma
Ay nag-iibang anyuan
Ani mo'y sinaniban ni Buddah
Shiva, Garuda, Kristo, Medusa
Dami ng duda
Dumami din ang mga balahibo
Na mas pinatayo pa
Andami dami daming
Maiingay dun sa amin
Bibihira kung dalawin
Ng grasya't sariwang hangin
Sa dami ng bukambibig
Kung nakakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan
Upang ako'y madinig
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Taas noo pa ding nakayuko
Salop man ay madalas mapuno
Sa kabila ng nagbabalak
Apulahin ang apoy sa pasan na sulo
Parang kadabuwan nakikipagbuno
Tuwing araw ng dalaw laging madugo
Ngayon pa man ay siniguradong
Makalaglag takuri kada bagong pakulo
Napapakapit tuko
Lahat ng aking kuko
Nakabaon ng malalim
Para lang hukayin
Ang mga diyamante sa aking bungo
Andami nating gusto na 'di magawa
Pagka't ayaw nating matukso
Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin
Kapag ka dumating na ang ating sundo
Pagkagaling sa eskwela
Rekta palit kamiseta
Takas sa pagkakatengga
Sa parisukat kong planeta
Sa dinamidami ng mabenta
Pansakit sa kabila ang tenga
'Di na malabong sulatan ko lang
Ang tanging magtunog riseta
Andami dami daming
Maiingay dun sa amin
Mga sikmurang mistulang
Hindi pa kumakain
Sa dami ng bukambibig
Kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan
Upang ako'y madinig
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Dapat karapat-dapat siyang iiwanan mo
Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo
Recent comments